* Thursday, December 30, 2004 *
lessons learned this year? sobrang dami.
hindi ata mauubusan si Lord ng mga bagay na ituturo sa akin.
minsan nga lang, kahit matagal ng tapos ang lecture session namin, yung practical application, parang ngayon pa lang nangyayari.
lessons learned this year?
here goes:
1. "Be still and know that I AM GOD"
wag mag-panic. wag mataranta. the Lord is always in control.
early this year, there have been many circumstances and situations in my life that i have seen the mighty hand of God work. at dahil isa akong self-confessed control freak (meaning, hindi ako napapakali ng hindi ko kontrolado ang mga sitwasyon), the Lord reminded me again and again that HE is ALWAYS in control.
2. "the heart is deceitful above all things..."
don't trust your feelings
yup. right. kaya yung heart nasa dibdib at wala sa ulo, it is meant to be governed by the head. ;)p.s. bawal na talaga ang assuming sa panahon ngayon. (tnx nay *wink*)
3. "evangelism should be a lifestyle"
we are the salt and light of the earth...so brothers and sisters in the Lord, lets get out of the salt shaker.
wah. for so long , hindi ko nakikita na ang simpleng pagtatanong mo sa isang tao ng "kumusta ka na?" ay isa nang tool of evangelism.
4. "for I know the great plans i have for you..."
God knows. everything you are going through. and everything that you would have to go through.
excited na ako for the next year. for sure, marami na namang surprises na ibibigay si papa Lord sa buhay ko.
hanggang ngayon, i am still amazed at how the Lord used and molded me into His mighty hand. whenever i look back at the things that i have gone through, alam kong hindi ko makakayanan yun kung hindi dahil sa Kaniya.
thank you, Lord.
Agape Lovelleagape wished upon a star at 1:41 PM*
* * * * * * * * *
* Sunday, December 26, 2004 *
ito ang pinaka"mahirap" kong pasko.
haven't had the time to choose special gifts for my friends and families for reason number 1: walang time.
at ang isa pang pinakaimportanteng reason
number 2: walang pera.
haha.
buti na lang most of my friends have received the most important gift of all...having JESUS in their lives.
***
ano nga ba ang importante sa pagbibigay ng regalo?
-yung nagbigay?
-yung binigyan?
-yung binigay?
-yung dahilan kung bakit ka nagbigay?
hmmm.
***
bought a book that i know is going to change my life again and again and again.
OUT OF THE SALT SHAKER and INTO the WORLD.
may warning nga sa foreword.
this is a very dangerous book...EVANGELISM might be your lifestyle.
bring it on, Lord.
this year, allow me to focus myself on YOU alone.
Agape Lovelleagape wished upon a star at 1:21 PM*
* * * * * * * * *
* Sunday, December 19, 2004 *
iba talaga kapag nagbigay na ng SURPRISE si Lord. masusurpresa ka talaga.
pagdating ko sa bahay last friday, bigla na lang akong hinila ni papa at tinanong ng ganito: "nak, gusto mo bang pumunta ng London?" *blink,blink*
shempre, hindi ko sineryoso, "opo. bakit, na-set na ba ang kasal namin ni Prince William?" :)
pero seryoso pala yun. so serious that i almost fainted by the knowledge that i was given a big, true to life, opportunity to do some church work there, right after graduation. meaning, october next year na yun.
dahil sa australia pupunta sila papa at mama, inisip ng mga supporters ni papa na ako na lang ang kunin to help in the church ministries there. ok lang din daw na magtrabaho ako dun secularly as long as hindi ako umaalis sa church ministry.
waaah.
i was confused, humbled and amazed all at the same time. never did i imagine that they would choose me to help them there. yung isang taon ng waiting period ko dito sa Pinas bago makapunta sa Australia to be with my family ay sa London ko pala gagawin.
waaah. hanggang ngayon, speechless pa rin ako.
"and I will be with you, until the end of time"
Matthew 28:29
Agape Lovelleagape wished upon a star at 1:07 PM*
* * * * * * * * *
* Thursday, December 16, 2004 *
first year college pa lang ako. pinagpepray ko na sila tito romy. sa kaniyang bahay ako nakatira ngayon sa UP.
pero mukhang ngayon lang sinasagot ni Lord ang prayer ko...
noon kasi, hindi ko alam kung paano ko ibabahagi ang love ni Lord sa pamilya nila. mga Jehovah's witness kasi. masyadong sarado ang kanilang mga utak lalo na pagdating sa mga doktrina ng relihiyon. pero this morning, grabe, muntik na akong maiyak...
mahina rin pala ang tito ko. kailangan din niya pala ng TOTOONG Diyos na magpapagaling sa mga sugat ng nakaraan niya.
Lord, use me. use me to win this family for you.
*LANTERN PARADE na!*
Agape Lovelleagape wished upon a star at 9:53 AM*
* * * * * * * * *
* Tuesday, December 14, 2004 *
excited na akong magpasko. ewan. pero mejo nalate ata ang epekto ng Christmas fever sa akin. kahit wala akong masyadong pera. walang masyadong ninang at ninong.alam akong isa pa rin ito sa magiging the best holiday season ever.
baka next year kasi...hindi ko na kasama ang family ko. *sniff*.
matagal ko na namang tanggap e. sa totoo lang, early this year pa nireveal sa akin ni Lord na mayroon siyang tatanggalin sa buhay ko. shempre una na si mr. dairy creme...pero never kong naisip na isa ang family ko sa tatanggalin niya. as i've said. God is a very jealous God. gusto Niyang Siya ang sentro ng buhay ko. gusto Niyang Siya muna ang pagtuunan ng lhat ng lakas ko. sa totoo lang, wala namang mali doon diba? pamilya ko naman yun...
"you shall LOVE the Lord your God with ALL your heart, ALL your soul and with ALL your strength."
waaah.
opo.
forgive me Lord when there are so many times that i put my security on other people. forgive me for there are so many times that my attitude is dependent on the circumstances around me. remind me, every minute of my life to FOCUS on you alone.amen.
Agape Lovelleagape wished upon a star at 7:20 PM*
* * * * * * * * *
* Sunday, December 12, 2004 *
tagal na nung huling time na umiyak ko kay Lord. nung huling time na sinigaw ko yung mga bagay na gusto kong mangyari kaagad.
pero last friday, i let it all out. hindi dahil maaga akong napalo ng araw na iyon. hindi dahil matagal nang kinakatok ni Lord ang puso ko asking for His rightful place again na ayaw ko namang ibigay. kundi dahil talagang pagod na pagod na ako.
for the first time again. i was so tired of all the responsibilities that was on my shoulders. i was so tired of all the talks and all the unmet expectations of the people around me. in short, nagmamayabang na naman ako.
hindi ko na naman binibigay kay papa Lord ang lahat ng problema ko. inaagaw ko na naman ang manibela sa kaniya. at ang mas delikado, pinapatigas ko na naman ang puso ko sa presensya niya.
kaya hayun. pinaiyak niya ako sa metal box. tapos, niyakap Niya ako ng mahigpit at sinabing "anak, relax, i can take care of everything".
thank you Lord.
Agape Lovelleagape wished upon a star at 3:54 PM*
* * * * * * * * *
|