Agape's Gift


Agape Lovelle--named after love, kaya naman full of love ang taong ito. a true friend that will forever love and care for those people na special sa kanya.

Archives

June 2004
July 2004
August 2004
September 2004
October 2004
November 2004
December 2004
January 2005
February 2005
March 2005
April 2005
May 2005
July 2005

* Links *

FriendsFriendster
yahoo!
Iskolar's choice
crunkle girl and her thoughts
sunnybluesky
Anime Skies
dianne
chame
ate jam
drew
blesscille
ate kat
kuya budj
ate riz
harvest


* Tagboard *

Powered by TagBoard Message Board
Name

URL or Email

Messages(smilies)

* Tuesday, October 19, 2004 *

isang sem at isang summer din akong in denial...
hindi ko tinatanggap sa sarili ko na aalis na ang isang taong ginamit ni Lord para mabago ang buhay ko...
pero nung nabasa ko yung blog niya.
doon ko narealize na kailangan na pala talaga niyang grumaduate at magreview para sa board (para kahit papaano ay siya na ang taya sa mga gimik pag may work na siya) at iwan na kami...ako.

pero kailangan talaga e...kahit papaano naman alam kong mananatili pa rin sa alaala ko ang mga:

"nak, dun tayo sa amnesty..."
"nak, metalbox tayo..."
"nak, ganda ng mulawin ano?"
"nak, musta? ano tong nababalitaan kong..."
"nak, please take care of esbi."
"nak, may pinagpepray na si *toot*, hindi ikaw..."
"nak, my kuwento ako sa 'yo..."
"nak, next time, hindi dapat nakatsinelas ha..."
"nak, sorry sa..."
"nak, ganun ba ako?"
"nak, binabago na ako ni Lord"
"God's will, God's way, God's time"
"nak, pamasahe naman po ng likod...please? *twinkle eyes*"
"nak, lab kita, i thank the Lord for you, *walang halong bola*"

*sniff*

thank you Lord, for creating women like my nay Jam.
bukas palad niya akong inampon at tinuring na tunay na anak.
she will forever be in my heart.


Agape Lovelleagape wished upon a star at 3:00 PM*1 comments



* * * * * * * * *

* Monday, October 11, 2004 *

kung kelan pa malapit na akong grumaduate, saka pa ako hindi nakapagCRS!
sobrang nakikita ko na ang kalbaryong haharapin ko sa enrollment.
Lord...help me.

bakit kasi kailangan ko pang magpaactivate ng webmail para makuha yun
WAAAAAAAAH! pwede na akong mamatay bukas, para makita ko na si Lord.

pero in fairness, nung nakita ko naman ang mga subjects na kailanang kong magpaenlist, nakita ko namang concentrated lang siya sa CAL, CMC at kung papayagan, sa math or bio. tapos, naisip ko rin, graduating na ang standing ko kaya mauuna kaming bibigyan ng regmat. pero still. ang pag-asa ko na lang ay kung maeextend ang deadline ng pre-enlistment. na malabong mangyari.

Lord...help me.

Agape Lovelleagape wished upon a star at 4:49 PM*0 comments



* * * * * * * * *

* Sunday, October 10, 2004 *

whew.

kung minsan, kakaiba talagang gumawa si Lord sa buhay ng isang tao.
dahil gusto niyang para sa Kaniya lang ang lahat ng SECURITY mo sa mundo, tatanggalin niya ang lahat ng mga pwedeng makaagaw sa atensyon mo.

kahit pati mismong pamilya mo.

sa totoo lang, wala naman talagang problema ang aking beloved family.
kung tutuusin. hindi ko nga mabilang ang sobrang daming blessing na ibinibigay niya sa amin. the fact pa nga lang na lahat kami ay christian ay isa sobrang laking THAnK YOU na para sa akin.

pero by the end of this year...malaki ang possibility na umalis ang first love ng buhay ko. may kumukuha kay papa papuntang London at dahil the people there wants him sooooo badly, lahat ng kakailanganin ay sila ang mag-aasikaso. whew! talk about God's calling and God's provision! at kung maging stable ang aking ama doon, kukunin niya sila mama, elyn at kevin. at dahil over-age na ako...maiiwan ako dito sa Pinas.

hehe. just the thought of it makes me want to cry...

pero ganun talaga magturo si Lord. at ako namang si "alala freak" hindi natututo. patuloy kong sinisilip ang bukas kahit alam ko namang wala naman akong kakayahang baguhin yun.

Lord, fill me to the brim. allow me to put my security on YOU alone.
tomorrow is none of my business. if i peer anxiously into the fog of the future, i will strain my spiritual eyes so that i won't see clearly what is required of me now-elisabeth elliot

Agape Lovelleagape wished upon a star at 4:29 PM*1 comments



* * * * * * * * *

* Thursday, October 07, 2004 *

grabe. iba pala talaga ang epekto ng extra Joss.
slept for only 2 hours last night. kailangan ko kasing magtinda sa palengke dahil pumunta sila papa at mama sa DFA para kumuha ng passports nila (saka ko na lang isusulat yung tungkol dun. mahirap umiyak dito sa computer center). kaya kanina sa palengke, para akong tulog na gising. in short. wala ako sa sariling ulirat.

buti na lang, nagtitinda pala kami ng extra joss sa tindahan. (hindi ko rin alam kung bakit)kaya kumuha ako ng baso na may tubig ang nilagay ang powder (no stirring needed). grabe! wala pang 5 seconds, gising na gising na ako.

at dahil kailangan ko pang tumapos ng 3 papers at isang take-home exam, uminom ulit ako kaninang tanghali. as usual, mulat na mulat ang lahat ng senses ko.

hay.
minsan, kailangan ko rin ng extra presence ni Lord para magising ako.
kanina, habang nakaharap ako sa computer, napapray lang ako kay Lord. sobrang namiss ko siya e. kaya konting problema lang, nagiging emosyonal na ako. lagi na akong nag-aalala. sobrang stale na ng relasyon. buti na lang, nandyan ang extra presence ng Diyos.

Agape Lovelleagape wished upon a star at 6:00 PM*0 comments



* * * * * * * * *

Layout * shadowmist
Get awesome blog templates like this one from BlogSkins.com