Agape's Gift


Agape Lovelle--named after love, kaya naman full of love ang taong ito. a true friend that will forever love and care for those people na special sa kanya.

Archives

June 2004
July 2004
August 2004
September 2004
October 2004
November 2004
December 2004
January 2005
February 2005
March 2005
April 2005
May 2005
July 2005

* Links *

FriendsFriendster
yahoo!
Iskolar's choice
crunkle girl and her thoughts
sunnybluesky
Anime Skies
dianne
chame
ate jam
drew
blesscille
ate kat
kuya budj
ate riz
harvest


* Tagboard *

Powered by TagBoard Message Board
Name

URL or Email

Messages(smilies)

* Thursday, September 30, 2004 *

bilang isang UP student, dapat sanay na ako...but noooooo!!!!

i have five final papers due all at the same time next week and three final exams on monday. WAAAAAAAH!

Lord, help me. i beg you, help me.

Agape Lovelleagape wished upon a star at 4:21 PM*2 comments



* * * * * * * * *

* Wednesday, September 29, 2004 *

kahapon, sa bsw namin ni kuya jason, i was suddenly overcomed with loneliness na hindi ko alam kung paano ipapaliwanag. i've come up with a number of reasons but somehow, alam kong niloloko ko lang ang sarili ko dahil sa totoo lang its not just a matter of feelings or emotions...it has something to do wtih your very on self.

ewan...hanggang ngayon, i am sometimes ovrcomed`with bouts of loneliness that sometimes i can't help but question God why He is allowing this thing to happen.

somehow, napagod ako sa last leg ng sem na ito. it feels as though i am being caged up by a lot things that it going on in and out of my life.

kaya nga nandiyan si Lord.

pero ayokong isipin na napapatawag lang ako sa Kaniya kapag kailangan ko SIYA. hay. ang totoo, minsan ganoon talaga ang nangyayari. kapag may problema lang, saka lang ako lalapit kay papa Lord. kapag ok ang bhay mo, parang wala siya sa tabi mo.

***
nagseselos ako. pramis. feeling ko, isa-isang lumalayo ang mga kaibigan ko sa buhay at mas gusto na nilang iba ang kinukwentuhan nila ng mga nangyayari sa buhay nila.

nalulungkot ako. kasi feeling ko wala akong nagawang matino this sem. puro palpak. walang maayos. walang matino.

mas nalulungkot pa ako. kasi may mga bagay talaga na wala akong kontrol. tulad ng damdamin ng ibang tao. tulad ng pag-iisip ng ibang tao. tulag ng kalungkutan ng sarili ko.

hayun.

"may the words of my mouth and the meditation of my heart be pleasing to YOur sight o Lord, my Rock and my Redeemer" Psalm 19:14

Agape Lovelleagape wished upon a star at 2:29 PM*0 comments



* * * * * * * * *

* Wednesday, September 22, 2004 *

last night was another night when the Lord shook my heart.

the afternoon before the event...we were having our bible study workshop with my beloved kuya jason. he ended the session with a story about the book he was reading saying: "if your going to read this book without the intention of applying it to your life, you might as well drop it"

waaaah.

yun minsan ang mahirap sa mga Kristiyanong katulad ko...ang akala ko kasi, sapat na ang "maraming" alam sa word ni God. sapat ng kaya mo na rin ipaliwanag ang doctrine ng trinity ng kahit konti.

But No...mas maganda sana kung naaaplay ko lahat ng mga alam ko.
mas ngingiti si Lord kung mas pinagtutunan ko ng pansin ang relasyon namin kaysa sa ibang bagay. mas matutuwa siya kung naka-focus ako in EXPERIENCING Him rather than 'studying' about Him.

sa hayun. nung hapon pa lang, binugbog na ako ni Lord.

lalo pa nung day of prayer. it was really overwhelming. praise and worhsip pa lang, sobrang nararamdaman ko na talaga siya. basta, mahirap i-explain. it feels as though the Lord is using every part of your body for His glory to flow. ganun ang nangyari. i can't help but shout and sing in His presence. parang wala akong naririnig na ibang kanta noon. parang si Lord lang ang nakikinig sa akin. at nakakahiya mang aminin. ngayon lang ulit nangyari sa akin yun.

kakaiba kasi ang praise and worship sa shekinah. it feels like im sooooo aware of the band. of the people in the church. of a whole lot other things. kaya siguro after ng praise and worship. i feel so used up...

lalo pa noong word. its about how prayer CUTS the person that is praying. how prayer CUTS sa bondage and blessing on the one that you are praying about. haaaay. sobrang ganda talaga ng word noong gabing yun.

at noong prayer time na...

i cried.


Agape Lovelleagape wished upon a star at 10:56 AM*0 comments



* * * * * * * * *

* Thursday, September 16, 2004 *

i fell in love last night.

but he's not real. a figment of someones' imagination, namely, Nicholas Sparks. author of the bestselling books A walk to remember, message in a bottle and THE NOTEBOOK.

hay. the Notebook.

i fell in love with noah and allie last night.
in the recesses of my being, a huge hole of longing was formed.
longing for someone to love till our last breath unfolds.

tama na nga ang pagpapanggap. totohanan na ito.

kagabi, tinanaong ako ni ate jam kung sa tingin ko raw ba ay true love ang naramdaman ko kay dairycream.
nag-isip ako for like 3mins...blink, blink.
ang sagot?
YES

bwahahaha. ang funny talaga.
astig kasi si Lord. hanggang ngayon kasi, hindi ko alam kung paano ako nakaalis sa void of grief na kinasadlakan ko noon.
hanggang ngayon, hindi ko alam kung bakit natuwa pa ako nung nakita ko si blessed girl. (ehem, mas blessed ata ako).
pero sabi nga...the Lord will do great things in my life. hindi man niya ako pinaganda ng todo-todo (hanggang ngayon, tumataba pa rin ako), hindi man niya ako pinaputi o pinagdikit-dikit ang somewhat hiwa-hiwalay kong ngipin, sadyang GREAT pa rin ang ginawa niya sa buhay ko.

truly, he heals and binds up all wounds.
and i am full of hope, na makakatagpo ko rin ang sarili kong noah callahan. hindi perpekto, hindi masyadong madatung, hindi masyadong mabait...(pero gwapo *wink*)...pero mamahalin ako ng totoo.

Agape Lovelleagape wished upon a star at 10:35 AM*2 comments



* * * * * * * * *

* Tuesday, September 14, 2004 *

iba talaga magjoke si Lord.

for some reason, nakalimutan ng exec na kontakin si Mam Vinluan to speak for our Big F this fri. and for some reason, hindi ko alam kung bakit pumayag din ako na ako na lang ang papalit sa kaniya kapag hindi siya nagreply sa txt namin.

kagabi, i read the eleventh chapter of acts, "just in case", and to my amazement, and dami kagad sinabi sa akin ni Lord.

speak and I will give you the words.

waaaaaah.

hindi ba Niya alam na hindi ok ang relationship namin ngayon? na napakaraming kong tanong na gusto kong masagot?
hindi ba Niya alam na wala akong lakas ng loob ng magspeak sa harap ng maraming tao?
hindi ba Niya alam na isang linggo lang ang binigay Niyang time para makapagprepare ako?

ang sagot?
alam Niyang lahat yun.

isa pang waaaaaaaah.

astig talaga si Lord. alam ko namang hindi AKo ang magsasalita sa friday e. gagamitin lang Niya ako. ako naman itong si pasaway, ayaw magpagamit. ayaw maging sensitive sa mga sinasabi niya.

hay Lord, iba ka talaga.

speak and I will give you the words.
ito ang pinarealize Niya sa akin ngayon.
pambihira! wala naman pala akong dapat ikatakot e.



Agape Lovelleagape wished upon a star at 7:47 PM*1 comments



* * * * * * * * *

* Saturday, September 11, 2004 *

hindi ko alam na napapagod din pala ako.
hindi ko alam na pwede rin pala akong mawalan ng baterya.
and yet...sa kabila ng lahat ng ito. doon ko nararamdaman ang grace ni Lord.

truly, HE restores my soul. sa totoo lang, ako rin naman talaga ang may diperensya. hindi kasi nakadepene ang lakas ko sa Kaniya. being the bossy girl that i am...kinakaya ko lahat. pero hindi talaga. wa epek.
lalo ko tuloy napapatunayan na His power is made perfect in may weakness. iba kasi kapag si Lord na ang pumapalo sa 'yo. iba na kapag Siya na ang nagsasabi sa iyong.

"take the backseat, 'nak. let me handle this".

ganun lang kasi talaga makakagawa si Lord kung ibibigay ko sa kaniya ang manibela ng buhay ko.

haaaay.

"Abba, I beg you to please take care of ESBI. Pease do."
"therefore, i urge you brothers, in view of Christs mercy to offer your bodies as living sacrifices holy and acceptable to God- this is your spiritual act of worship"- Romans 12:1
iba talaga kapag nakakapagmemorize ka ng verses.:) tenkyu po kuya doug at kuya val!

Agape Lovelleagape wished upon a star at 8:28 PM*0 comments



* * * * * * * * *

Layout * shadowmist
Get awesome blog templates like this one from BlogSkins.com