Agape's Gift


Agape Lovelle--named after love, kaya naman full of love ang taong ito. a true friend that will forever love and care for those people na special sa kanya.

Archives

June 2004
July 2004
August 2004
September 2004
October 2004
November 2004
December 2004
January 2005
February 2005
March 2005
April 2005
May 2005
July 2005

* Links *

FriendsFriendster
yahoo!
Iskolar's choice
crunkle girl and her thoughts
sunnybluesky
Anime Skies
dianne
chame
ate jam
drew
blesscille
ate kat
kuya budj
ate riz
harvest


* Tagboard *

Powered by TagBoard Message Board
Name

URL or Email

Messages(smilies)

* Wednesday, August 25, 2004 *

kakatapos lang naming manonood ng Princess Diaries 2.
ok lang. gwapo si Nicholas.:)
pero after ng movie. isang gnawing thought ang nanatili sa utak ko...ginagawa ko ba ang role ko bilang isang prinsesa ni Lord?

ang sagot: hindi.

kahit gusto ko ang thought na may korona sa ulo ko. kahit masarap ang thought na may dala akong scepter ng pagiging isang prinsesa, ang esensya pa rin ng pagiging isang prinsesa ay ang paraan ng pamumuhay mo. dapat na iba ka sa lahat. maayos, modelo ng iba. at nakuha mo ang pagiging prinsesa mo hindi dahil you earned it. binibigay ito sa'yo dahil anak ka ng isang HARI.

anak ako ng isang HARI.

mali pala. anak ako ng HARI ng mga HARI.

ang kulang na lang ay simulan ko ang pamumuhay na isang tunay na royalty...

Agape Lovelleagape wished upon a star at 5:21 PM*0 comments



* * * * * * * * *

* Sunday, August 22, 2004 *

namimiss ko ang mga tao.

somehow, unti-unti silang tinatanggal ni Lord lalo na kapag nakikita niyang sa kanila ko ibinibigay ang security ng buhay ko. kasi nga naman, kapag ang mga taong ito ang kasama ko, "safe" ako. somehow nagiging complacent ako sa aking lifestyle dahil maayos naman ang mga kasama ko.

pero iba talagang magturo si Lord.

last Big F (big fellowship) may kakaiba siyang ginawa sa esbi. sa akin.

ewan.

most of the people who were there can attest that the Holy Spirit was moving mightily in our hearts. tinatanggal ang bawat isa sa aming mga comfort zones upang maikalat ang kaniyang salita at katotohanan. hindi kasi kailangang maging isa "activity" lang ang evangelism at prayer, dapat nga pala siyang maging isang lifestyle dahil isang buhay na Diyos ang nasa puso at buhay mo.

minsan kasi, ang faith ko ay nakadepende sa kung ano ang nararamdaman ko. kung "feeling" kong nariyan si Lord, sobrang high na high ang lahat. parang kayang-kaya mong lampasan lahat ng problema sa mundo. pero kapag nariyan na ang isang "ordinaryong" araw, nothing special, nothing new, doon pumapasok ang mediocrity. doon pumapasok ang compromise. doon pumapasok ang faithlessness.

hay. iba talaga kapag alam mong ang pinaniniwalaan mo ay hindi nakadepende sa kung ano ang nararamdaman mo, kundi sa katotohanan na ang Diyos ko ay siyang Diyos na lumikha ng langit at ng lupa na kinatatayuan ko ngayon. somehow, kapag naaalala ko ang fact na ito, parang ang isang problema ay narereduce sa isang maliit na tuldok lamang at naibibigay sa ating Panginoon.

o sige na nga:

namimis ko na ang pamilya ko. pramis, nitong nakaraang Linggo, ni hindi man lang kami nabuo. its either naiwan si Elyn or si Kevin para magtinda. kanina naman ay nasa Tagaytay sila samantalang nasa Shekinah ako at doon nagchurch. miss ko na talaga sila. kahit lagi kaming nagbabarahan, nag-aasaran, at minsan nag-aaway, iba pa rin kapag sama-sama naming ginagawa ito. (doesn't make sense pero totoo).

namimiss ko na ang pamilyang REYES. siguro, mga 3 years na kaming hindi nagkikita. patuloy ko pa ring pinapanalangin na sana ay ayusin na ni Lord ang anumang hidwaan na naganap sa angkan namin. hay. hay.

namimiss ko na ang DANGA. tagal na rin naming hindi nakakauwi doon. kaya ngayon, dinalaw pa kami ng dada (read:lola) ko. hay. iba talaga kapag nasa bahay ang lola mo. mag nangiispoil sayo. bwehehehe.

namimiss ko na si Natalie at si Emjae. ang tres marias ng UP, kelan kaya mabubuo? hay. ang dami kong kasalanan sa dalawang ito. palagi ko talagang natetake-for-granted ang pagkakaibigan naming pinanday ng panahon...sana talaga, dumating ang panahon na muli kong maibahagi sa kanila ang joy na nararamdaman ko sa relasyon ko kay papa Lord.

namimiss ko si Tita jo. basta, namimiss ko siya. siya kasi ang nag-iisang kakampi ko sa lahat ng bagay. at sobrang mahal ko rin ito. :)

namimiss ko ang cavite bible church. iba pa rin talaga kapag kumportable ka sa lugar at sa mga taong kilala mo. pero siyempre, kailangang, sumunod sa calling ng Panginoon.

namimiss ko si 'nay Jam. hehe. nagpapakababy lang ulit. dami naming hindi napapagusapan. pano kaya kapag natapos na itong sem na ito? hahagulgol talaga ako. madrama talaga ang pamilya namin.

namimiss ko...sina pepay at mina. hayun. iba pala ang feeling kapag katabi mo yung tao, pero hindi kayo konektado.

namimiss ko si Lord. somehow, ang ilap ng presensya niya ngayon. but who's to blame? shempre, AKO. never naman siyang nawala sa tabi ko e. ako lang talaga itong pasaway. ako lang talaga itong matigas ang ulo. sori Lord. Sori po.

Salamat Panginoon kilala mo ako
Ang lahat ng bagay ay hindi lingid sa 'Yo
Salamat Panginoon tinutuwid mo ako
ikaw lang ang may alam
sa aking patutunguhan...
Salamat sa 'Yo...
O Panginoon!





Agape Lovelleagape wished upon a star at 5:23 PM*2 comments



* * * * * * * * *

* Thursday, August 19, 2004 *

wala akong balak gayahin si Elisabeth Elliot base sa title ng blog ko today. share ko lang na para akong binugbog ng sampung lalake kagabi habang binabasa ko ang librong binigay sa akin ni Hannah.

Lord, give me a quiet heart
that do not seeks to understand
but confidence steps in
as i leave everything in your hand

waaaah!
talk about hitting where it really hurts.
in times of uncertainties. sa mga pagkakataon na wala akong maintindihan kanino nga ba ako pumupunta? sa mga panahon na hindi mo alam kung bakit things doesn't go your own way...kanino nga ba ako humihingi ng tulong?

hay.
thank you Lord for giving me a quiet heart.

Agape Lovelleagape wished upon a star at 8:37 AM*2 comments



* * * * * * * * *

* Wednesday, August 18, 2004 *

sa wakas!!!
ngayon lang ulit ako nakapagblog matapos ang mahabang linggo ng pananahimik.
marami na tuloy nagsasabing iupdate ko na ang blog ko.
sa mga "fans" kong naghihintay, hehe. eto na. :)


EMOSYONAL
kagabi ko lang narealize na bukod sa sumali ako sa Little watever, drama princess din pala ang yours truly. basta, ngayong naaalala ko yung mga dinrama ko kagabi, nahiya akong bigla sa mga taong nakakita noon. parang may nagsalita ng action at tumulo kagad ang mga luha ko.
hay. iba talaga si Lord. tulad noong nabasa ko sa blog ni bcel, marami talaga siyang tatanggalin sa atin. minsan kasi, kung kani-kanino natin ibinibigay ang ating security, ang ating atensyon, ang ating emosyon at maging ang ating puso. e jealous si papa Lord, tatanggalin niya tayo mula sa ating mga sarili at imomold ang ating puso sa tamang shape, lambot, texture, at kung ano pa man para maging katulad niya.
and it was, as i experienced, a very painful process.
lalo na kapag uncertainty ang bumabalot sa isipan mo.
but then again, dun pumapasok ang FAITH in its utmost sense diba? kailangan natin ng constant dependence kay papa Lord para hindi tayo maligaw at malito at ma-lost at malungkot.
naaalala ko tuloy yung prayer ni ate Jam kahapon:
thank you Lord kasi favorite mo po kaming i-mold.


MINISTRY
hay. ito ang isang bagay na dapat at matagal ko nang ibinlog pero hindi ko alam kung paano sasabihin.
sobrang nakakatuwa dahil sinagot na ni papa Lord ang prayer ko. hindi ko kasi alam dati kung ano ba talaga ang ministry na dapat kong hawakan at pagtuunan ng pansin. in short, lost ako in a church na parang all-around watever ang dating ko. don't get me wrong, i like working and dedicating everything to my God. pero ayoko lang ng LOST at parang walang direksyon ang mga bagay-bagay. muli, ipinakita niya sa akin ang ministry na 3 years old pa lang ako ay ginagawa ko na. Praise and Worship.
kahit ata mamaos ako sa kakanta para sa ating Panginoon, ok lang, siya rin naman ang nabigay nito. ;)


MY FIRST LOVE
ang tatay ko.
aalis na siya sa Enero papuntang London para mag-ministry sa mga OFW doon. hay.
im going to miss my father dear. sobrang LOVE ko kasi yun. parang hindi kumpleto ang linggo ko ng hindi kami nakakapag-usap at nakakapgkuwentuhan. in short, nasa kanya rin ang security ko. kaya...tatanggalin din siya ni Lord. stig!:)
wala naman pala akong dapat ipangamba kasi alam kong ilalagay siya ni Lord sa lugar na matagal na niyang pinapanalangin. maraming magiging pagsubok, suliranin, atbp, but if God is for us? whom shall we fear?


SMILEYS
hay. :) nakakatuwa talaga si Lord ngayong linggong ito. to think na nagsisimula pa lang ha. :)
nagsimula ito sa meeting namin ng exec, evangelism sa CG, bonding sa mga apps, concert kagabi...at ang simpleng realization na sobrang MAHAL ako ng mga kaibigan ko. :)


TEARING WALLS
tibag na mga kapatid! ok na! ;)
mahirap ipaliwanag pero dahil sa ginawang pagdurog sa akin ni papa Lord this past few days. narealize kong wala naman pala talaga akong dapat ikatakot. sa ngayon, he's just an ordinary guy with an extraordinary heart for the Lord. hah! ano pa nga bang dapat ikatakot ko? e ibinigay ko na kay papa Lord ang deceitful kong puso? sa ngayon, i can honestly say na...ok na po ako.

Agape Lovelleagape wished upon a star at 8:13 AM*3 comments



* * * * * * * * *

Layout * shadowmist
Get awesome blog templates like this one from BlogSkins.com